Sunday, February 24, 2013

Kahit Na by Toni Gonzaga




Kahit Na
Composer: Julius James de Belen
Interpreted by: Toni Gonzaga
Music Video: University of the Philippines

My Thoughts:
This song is really catchy at bagay din naman na si Toni Gonzaga ang kumanta. Creative ang lyrics at nakakatuwa. What I like about the song is, parang lumihis sya ng landas sa mga common love songs na naririnig natin. I think this song will be somehow successful like "This Guy's in Love with you Pare. Ayos din ang video, what would you expect from UP. Sana lang mas humanap pa sila ng mas presentable na panget para dun sa guy. Hehehe, may ganun naman di ba? May pangit na hindi nakakaasar ang mukha. Hahaha

Lyrics:

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sa'yo
Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sa'yo

Naaalala mo ba dati nung una kang makita di'ba?
Wala ka ngang kagwapuhan na maipakita
Inaasar ka na kulang ka sa bitamina
At mukha mo daw nasabugan pa ng dinamita

Pero kahit na pangit, bakit ba?
Gustung-gusto ko pa rin na mapa-sa'kin ka
Kahit mukha kang galit, sa akin happy ka
Kahit parang ‘di ka tinatablan ng mahika

Chorus:
Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo
Hindi alam kung ano bang nadudulot dulot nito
Hindi ka naman gwapo
Macho, di masyado
Ngunit sabi ng puso'y oo oo
Sabi ng barkada wag na lang daw sana
Ngunit sabi ng puso'y oo oo

Baka walang mag-iba kung sinapak ka sa
Iyong mukha pagka't parang tinapakan ka
Baka sa galit ng diyos may kinalaman ka
O nagmadali lang siya nung ginawa ka niya

Pero kahit na pangit ka, akin ka
Ikaw ang baterya sa puso ko na makina
Kahit mukha kang paa, nakaka-loose ka
At least ikaw yung tipong paa na naka-foot spa

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo
Hindi alam kung ano bang nadudulot dulot nito
Hindi ka naman gwapo
Macho, di masyado
Ngunit sabi ng puso'y oo oo
Sabi ng barkada wag na lang daw sana
Ngunit sabi ng puso'y oo oo

Kahit ano pang sabihin nila
Malabo daw ang aking mata
Alam ng pusong iibigin at ikaw ang para sa akin
Sayang daw ang pustura kung ganyan ang itsura
Alam ng puso'ng iibigin
at ikaw ang para sa akin

Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo
Hindi alam kung ano bang nadudulot dulot nito (pero mahal kita)
Hindi ka naman gwapo
Macho, di masyado
Ngunit sabi ng puso'y oo oo (Ang pangit mo. Ang chaka mo.)
Sabi ng barkada (Paki nila.) wag na lang daw sana (Mahal kita)
Ngunit sabi ng puso'y oo oo

No comments: