Saturday, February 23, 2013

Alaala by Yeng Constantino




Alaala

Composers: Ma. Fe Mechenette G. Tianga, Melvin Huervana and Joel Jabat Jr.
Interpreted by: Yeng Constantino
Music video: Philippine Christian University



Lyrics:

Alaala, Alaala, Alaala
Araw-araw ay naghihintay sa'yo
Dala-dala ang pangarap na hindi nabuo
Bawat alaala mo'y nagbabalik
Hindi pa rin malimot
ang mga sandali

Nagbabakasakali na
muli kang magbalik
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakaling
Lubusang mawala
Huwag naman sana

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako
Sinta

Alaala, Alaala, Alaala

Takbo ng oras kay bagal antayin
Darating kaya?
Tanong ng aking isip
Nakatulala sa isang tabi
Hindi maisip kung ano ang gagawin

Nagbabakasakali na
hindi pa huli
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakaling
Lubusang mawala
Huwag naman sana

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako

Sayang naman kung mawalay pa
Tuluyan na bang mawawala?
Asahan mong maghihintay
pa rin..

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako
Sinta

My thoughts:
Everytime Yeng sings, andun talaga ang emosyon and you can feel how sincere she is with singing and with the song itself. Tama lang ang pagka-upbeat ng kanta na bumagay naman kay Yeng. Medyo naguluhan lang ako sa video kasi sa computer game ang setting nya. Pero sa ending, medyo nagets ko na din.


No comments: