Saturday, February 23, 2013

Hanggang Wakas by Juris




Hanggang Wakas
Composer: Soc Villanueva
Interpreted by: Juris Fernandez-Lim
Music Video: San Beda College - Alabang

My Thoughts:
Nice lyrics, knowing na si Soc Villanueva ang nagcompose. Maganda rin ang paginterpret ni Juris. Perfect Match, I think that's the best phrase to describe it. Powerful ang meaning ng song. The problem is, this is just not my cup of tea. Nice din ang video dahil may ginampanan si Juris sa story.

Lyrics:

Kay tagal kong naghanap ng isang katulad mo
Katuparan ng pangarap ang ako'y mahalin mo
Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin
Ngayon nagtatanong bakit bigla kang babawiin
Kung kailan pa natagpuan pag-ibig na walang hanggan
Saka naman puputulin ng isang mabigat na karamdaman

Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali
At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi
Mamahalin pa rin kita
Kahit na alam ko na mawawala ka
Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas

Huwag ka nang mag-alala na ako'y mag-iisa
Pipilitin kong kayanin masakit mang tanggapin
Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin
Ngayon di na magtatanong kung bakit babawiin
Alam ko na ito'y paalam lang na pansamantala
Balang araw ikaw rin at ako ay muling magkakasama

Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali
At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi
Mamahalin pa rin kita
Kahit na alam ko na mawawala ka
Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas

Asahan mong pag-ibig ko'y wagas
Tayong dalawa hanggang wakas

No comments: