Sunday, October 25, 2009

PBB Double Up Day 2

Kakasimula pa lang ng linggo at Double Up na rin ang pangyayari sa loob ng bahay ni Kuya.


Nagswitch na ng houses ang dalawang Kambal. Si Kenny at JP ay nasa House B na at si Toffi at JM sa House A. Nahirapan ang mga kambal sa House B dahil pinaghinalaan agad sila ng mga babaeng housemates.

Samantala, binigyan ni Kuya ang mga housemates ng isang special task na susubok sa kanila kung sila'y handang magsakripisyo ng ilang materyal na bagay na mahalaga sa kanila. Kung anuman ang ilang maibigay ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Ondoy.

Bago matapos ang araw, ipinaalam ni kuya kay JM na hindi naaprubahan ang kanyang notice of leave sa trabaho. Pinapili sya ni kuya kung nais nyang manatili sa bahay ngunit mas pinili nyang magvoluntary exit na lamang dahil mas mahalaga sa kanya ang kanyang trabaho.

No comments: