Sunday, October 25, 2009

PBB Double Up Day 1

Double Up
Nakapasok na ang first batch of housemates ng Pinoy Big Brother Double Up. Tinawag na Double Up ang season na ito dahil hahatiin ang mga housemates sa dalawang grupo na maninirahan sa dalawang magkaibang bahay ni Kuya.

The First Double Up Task
Isa sa mga twist ng Season ng ito ang pagkakaroon ng dalawang identical twins na magpapalitan sa magkabilang bahay - sina Toffee at Kenny at sina JP at JM. Sa loob ng isang linggo, dapat walang makaalam sa mga housemates na meron silang kakambal, kung hindi ay mapapatawan sila ng forced eviction.

No comments: