It's November.. and the first day of the month is welcomed by a tradition, we Filipinos called "Undas". I've been thinking, saan nga ba galing ang salitang Undas? All Saints' Day ang pinagdiriwang sa November 1 na kung tatagalugin mo ay Araw ng mga Santo, at kilala rin ang araw na ito sa tawag na Todos Los Santos. Ang November 2 naman ay All Souls' Day na sa tagalog ay Araw ng mga Kaluluwa. Nakaugalian natin na pumunta sa sementeryo sa unang araw ng Nobyembre upang bisitahin ang mga minamahal nating namayapa. Kaya naman ang karamihan ay tinatawag ding Araw ng mga Patay ang November 1.
Saan nga ba talaga galing ang salitang Undas? Dahil nacurious ako bigla, medyo nagsaliksik ako sa etimolohiya ng salitang undas. Marami rin pala ang may gustong malaman kung saan nagmula ang salitang ito.. kung ito ba ay tubong Pilipino, hango ba sa wikang Griyego o kung saan mang bansa galing. Kaso, wala akong makitang concrete answer.
May nakita akong isang nakakatawang paliwanag saan galing ang salitang undas. Kung baliktarin mo daw ang UNDAS, eto ang lalabas:
SAD NU
Hahaha.. Sabagay, dahil ginugunita natin ang mga namayapang mahal natin sa buhay, medyo sad nga tayo sa araw na yan.. At dahil mahilig mambaliktad ng mga salita ang mga Pilipino, ginawa itong UNDAS para cool daw. Hahaha. Parang naligaw lang eh no, at babaliktarin mo lang ang damit mo para di ka na mawala.
Eto naman ang nakita ko sa Wikipedia.
Ang kapistahan ng Todos los Santos, Araw ng Lahat ng mga Santo o Araw ng mga Santo, tinatawag na All Saints' Day, All Hallows o Hallowmas sa Ingles (ang katagang “hallows” ay “santo” at ang “mass” ay misa), ay ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre o unang Linggo ng Pentekostes bilang paggunita sa lahat ng santo o banal, kilala o hindi. Ang araw nito ay tinatawag na Halloween sa Ingles, katumbas ng "Ang Bisperas ng Todos los Santos" o "Gabi ng Pangangaluluwa". Ang Todos los Santos ay isa ring pormulang Kristiyano na humuhingi ng tulong sa lahat ng santo at martir, kilala o hindi. Sa Pilipinas, palansak na tinatawag itong Araw ng mga Patay, Pista ng Patay, o Undas.Sa Iglesya Katolika Romana, ang Araw ng Todos los Santos ay parangal sa mga taong nakatamo ng beatipikong pananaw ng kalangitan habang ang sumunod na araw, ang Araw ng mga Kaluluwa ay paggunita sa lahat ng yumaong mananampalataya na hindi pa nadadalisay at nakararating sa langit.
Bagama't di ako nagtagumpay kung saan nga galing ang salitang Undas, ang mahalaga'y alam natin ang kahulugan ng araw na ito at bakit ito ay isang importanteng tradisyon sa ating mga Pilipino. Malay natin, balang araw may isang historian ang matyagang mananaliksik ukol dito. Masyado lang talagang malawak ang internet, tinatamad na ko magresearch. Kaya eto muna.. hanggang sa muli.. :D
1 comment:
Maraming salamat at pareho tayong gustong malaman ang pinanggalingan ng salita "Undas". Sana nga mayroon isang eksperto sa lenguahe na magpaliwanag nito. Pansamantala, tatanggapin ko na lang ang kahulugan nito na katumbas ng "All Saints' Day" sa Ingles.
Bernardo M. Soriano Jr.
Brampton, ON, L6V 3E3
Canada
Post a Comment