Monday, September 6, 2010

September 7, 2010

Me and Divine had a conversation yesterday through Windows Messenger. Tinatanong nya kung tanggap ko ba sya, kahit ganon ang kanyang sitwasyon. Sinabi ko oo.. 

Mula noong malaman kong nagdadalang tao sya, sabi ko sa sarili ko, eto na nga yung katapusan. Dun na magtatapos ang mga pangarap ko, at mga pangarap ko sa kanya. Bubuo na sya ng sarili nyang pamilya, at alam kong magiging masaya sya. Alam ko rin na mahal nya ang ama ng bata. Matagal rin na naging sila. Sa katunayan, tumitira na sila sa isang tahanan mula noong huling uwi ko sa Teresa, noong May 2008. Di na ko magtataka kung balang araw, mangyayari to, at nangyari na nga. Kasal na lang ang kulang sa kanila, isa na talaga silang pamilya. Nung nalaman kong sa isang bahay na sila nakatira, oo syempre nasaktan ako. Sobrang sakit. Plano ko pa naman, paguwi ko, lalakasan ko na loob ko at sasabihin ko na lahat. Nangako ako sa kanya na apat na taon lang akong mawawala, pagkagraduate ko, uuwi na ko. Hindi talaga natin hawak ang panahon, at pagkakataon. May mga bagay talagang nagbabago. Marahil pati ako nagbago na rin, pero hindi nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Sabi ko sa kanya noon, "I built a wall around my heart that would only break apart for you." Oo.. isa rin ito sa mga binitiwan kong salita na tutuparin ko, na hanggang sa kasalukuyan tinutupad ko pa rin. Lagi nilang sinasabi saken, "Move on..", "Let go..". I know that's the right thing to do. Ano ba ang tama? 

Minsan naisip ko, wala rin palang saysay ang mga sakripisyo ko. Kasama na roon na kelangan kong iendure kung ano man ang tawag ng ibang tao saken. Oo, ako na ang loser. Ako lang pala ang nagsasakripisyo, at ako lang din naman ang gumawa ng sakripisyong to para sa sarili ko. Mukha naman silang masaya, at lalo pa silang sasaya ngayong meron nang anghel sa buhay nila.. At ako, I can stay here in Cebu longer.. hanggang makahanap ng isa pang tao na magpapahalaga saken tulad ng pagpapahalaga nya.. Di ako expressive. Minsan ko nga lang sya ikontak noon.. Ayoko kasing ako pa maging dahilan ng away nila. Tama na saken na iniisip ko sya araw-araw, kahit walang kapalit. 

Alam kong malabo na.. wala nang pag-asa. Di pa naman sila kasal.. Marahil, yan na lang ang pinanghahawakan ko. Last month, on the rocks na nga sila. At noon ngang August 16, our status changed.. thanks to facebook. At sineryoso ko naman. Sineryoso ko, malay mo seryoso rin sya. Kahit sa online man lang, naging kami. Ang loser ko talaga. Pero these past few days, nakakapagusap naman kami ng seryosohan. I felt that I was loved. She loves me.. at bumalik ang feeling na parang high school ako. The feeling of being in-love. Napatunayan ko sa sarili ko na mahal ko pa rin talaga sya, at mas lalo ko pa syang minahal. Ayoko isipin na ginagawa nya to dahil marami syang problema ngayon, at kelangan nya ng may magkakalinga sa kanya. Ayoko rin itake advantage ang sitwasyon. Ang gusto ko lang, iparamdam ko sa kanya na may nagmamahal pa rin sa kanya sa kabila ng kanyang sitwasyon. Tanggap ko sya kahit ano pa ang nakaraan nya. Hindi mahalaga kung meron na syang anak. Lahat naman tayo, nagkakamali minsan. Kelangan lang natin ng mga taong tatanggap at uunawa sa anumang kamaliang ating nakamit. Wala namang perpekto. Kahit ako, iniisip ko na isa rin akong failure sa buhay nya. At ayokong dumadagdag sa mga failure nya kung di kami magwork. 

I love her.. I love Divine.. That's all I know. I can't imagine myself spending the rest of my life with anybody else but Divine..  




No comments: